Saturday, November 17, 2007

2008 reunion

Mga mahal kong pinsan,

Kailangan na nating magplano para sa susunod na taon. Nais ko sanang magtawag ng pulong bago magtapos ang Nobyembre. Para magawa ito, hihingi sana ako ng isang permanent representative nula sa bawat sangay at dalawa pang alternate members para bumuo ng komite.

Kung may interesado, ito sana ang mga imumungkahi ko:

Magkaroon na ng opisyal na structure at paraan ng pagpili ng Presidente at iba pang opisyal gaya ng Ingat-yaman, opisyal na paraan ng pagtatala ng pondo at ng mga nagdedesisyon para rito para madaling ipasa sa mga susunod na Presidente ang lahat. Oakitama lang kung mali ang iniisip ko na wala pang ganito.

Ang souvenir program ay magkakaroon ng CD na may lamang buong direktoryo ng angkan, Aguila song at ilang video na nagawa na, at mga larawan.

Para sa reunion, magsimula na pong mag-isip kung anong booth ang itatayo. walang limit sa biilang ng booth na maaring itayo ang mga pamilya dahil ito naman po ay may bayad -- sa halip na magbayad para sa entrance, pagkakaroon na laman ng booth ang may bayad. Magkakaroon din ng simplemng hapag pero sana ay sa mga booth kumain ang nakararami para na rin magkaroon ng tunay na usapan at hindi kanya-kanyang umpok na pamilya ang mangyayari.

Ilan sa mga mungkahi kung saan gaganapin ang reunion ay:

mga dating napagdausan na nang nakaraang 5 taon
Events Center (wifi dito, maaring maki-usyoso ang mga nasa abroad sa webcam)
CAP, Lipa

Magsisimula po kaming magtawag ng mga tao bago matapos ang buwan.

Paki-email na lamang sa ipatluna@pusod.org kung may iba pang mungkahi. Hanggang sa muli . . .